2 armadong suspek, patay sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa Calamba, Laguna

3741

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office o NCRPO Chief General Vicente Danao Jr., ang shooting incident na naganap sa South Luzon Expressway (SLEX) sa Calamba, Laguna.

Ayon kay Danao, partikular na naka-engkuwentro ng mga tauhan ng NCRPO ang armadong grupo na sangkot sa serye ng robbery at gun running operations sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga karatig na lugar.


Sinabi ni Danao na nagsagawa ng follow-up operation ang kanilang mga tauhan at bago pa man ito makalapit sa lugar ng operasyon ay pinaulanan na sila ng bala ng mga suspek.

Agad naman na nakaganti ng putok ang mga pulis na naging dahilan ng pagkamatay ng dalawa sa mga suspek.

Facebook Comments