2.2-M hectares ng sakahan, posibleng maapektuhan ng Bagyong Opong —DA

Tinatayang nasa 2.2-M na ektarya ng sakahan ang nanganganib na mapinsala dahil sa epekto ng Bagyong Opong.

Batay sa datos ng DA-DRRMO, kabilang dito ang 1.6-M hectares ng pananim na palay at 520,131 hectares ng pananim na mais.

Kabilang sa posibleng maapektuhan na mga agricultural areas ay Aurora, Zambales, Bataan, CALABARZON, Occidental Mindoro, kabilang ang Lubang Island, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Bicol Region, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran at Leyte.

Sa ngayon ay activated na ang Regional DRRM Operations Centers ng DA at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa mga kaukulang local government units (LGUs) para sa mga paghahanda at hakbang.

Nakapag-prepositioned na rin ang DA ng binhi ng palay at mais at high value crops na ipapamahagi sa mga apektadong magsasaka.

Nakahanda na rin ang gamot at biologics para sa mga alagang hayop at poultry.

Mino-monitor na rin ng ahensya ang galaw ng presyo ng mga agricultural commodities upang matiyak na walang mananamantala sa sitwasyon.

Nakahanda na rin ang alokasyon ng pondo para sa insurance at pautang sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation at ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) para sa mga mapipinsala ang kanilang pananim.

Facebook Comments