2.2-M Pfizer vaccine, darating sa katapusan ng Mayo

Nakatakdang dumating sa katapusan ng Mayo ang 2.2 milyon doses ng Pfizer-BioNTech vaccine.

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., ang mga bakuna ay mula sa COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).

Aniya, pinag-aaralan na nila ang magiging proseso ng pagde-deliver at paglalagak ng mga bakuna.


“Meron kaming arrangement with UNICEF na diretso na kaagad sa Davao, diretso na kaagad sa Cebu at diretso na sa mga areas na paglalagakan natin ng Pfizer para wala po tayong double handling.” ani Galvez

Nitong Lunes, Mayo 10, dumating sa bansa ang unang batch ng Pfizer vaccines na mula rin sa WHO.

Facebook Comments