2.2 MILYONG HALAGA NG LIVELIHOOD PACKAGE, IBINAHAGI SA ILANG PAMILYANG PANGASINENSE

Tinatayang 50 pamilya mula sa bayan ng Infanta ang makakatanggap ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Graduation Approach–DOLE Integrated Livelihood Program (GA-DILP) ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1.

Ayon sa pahayag, hangarin ng lokal na pamahalaan na matulungan ang pangkabuhayan ng informal sector earners.

Umaabot sa ₱2,225,398.00 ang kabuuang halaga ng mga livelihood packages. Kabilang dito ang goat raising, chicken egg-laying production, pagbebenta ng bigas, frozen foods at consumer goods retailing at paggamit ng motorized boat.

Samantala, nagsagawa rin ng parehong programa ang ahensya sa bayan ng Labrador kung saan 44 na pamilya naman ang nakatanggap ng livelihood support.

Ayon sa DOLE, inaasahang makatutulong ang mga proyektong ito upang “mapatatag ang pinagkakakitaan at makamit ang long-term stability” ng mga nangangailangan.

Facebook Comments