Halos 30,000 pamilya pa na naapektuhan ng Bagyong Odette noong Disyembre ang nananatili pa rin sa mga evacuation center.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, naitala ang mga evacuees sa MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Caraga at Northern Mindanao.
Karamihan sa mga ito ay totally damaged ang mga bahay habang ang iba ay nakatira sa mga hazard prone area kaya hindi pa pinababalik.
Nagpapatuloy aniya ang assessment dito ng lokal na pamahalaan gayundin ang paghahanap ng ibang lugar na pwede nilang lipatan.
Tiniyak din ng DSWD na tuloy-tuloy ang paghahatid nila ng tulong sa mga evacuees kabilang ang financial assistance para sa pagpapatayo ng kanilang mga tahanan.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 2,336,249 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa hagupit ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.