2, 380 NA BARANGAY SA REGION 1, DRUG CLEARED NA

Pumalo na sa 2, 380 na barangay sa Ilocos Region ang idineklarang drug cleared ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
80% mula sa 2, 929 na drug-affected barangay sa rehiyon kung saan 1, 081 ay nandito sa Pangasinan, 451 sa La Union, 397 sa Ilocos Norte at 451 sa Ilocos Sur.
Ayon kay Assistant Regional Director Jet Cariño , 549 na barangay ang nanatiling drug affected.

Patuloy ang isinasagawang lecture at seminar ng PDEA sa mga lugar ng trabaho, komunidad at iba pa na hindi apektado ng droga upang mapanatili ang status ng naturang barangay.
Nasa 11 Balay Silangan Reformation Centers naman ang naitayo sa buong rehiyon. | ifmnews
Facebook Comments