2.4% inflation rate, walang epekto sa mga mahihirap

Iginiit ng ilang kongresista na wala namang epekto sa taumbayan ang pagbaba ng inflation rate nitong Hulyo sa 2.4%.

Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, kahit umabot ng zero ang inflation at nananatiling mataas ang bilihin ay wala itong magandang epekto sa mamamayan.

Aniya, ang mababang inflation noong buwan ng Hulyo ay dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.


Ang ibinibida lamang umano ng mga economic managers ay ang pagganda ng credit ratings ng bansa pero hindi naman ito nararamdaman ng mga consumers.

Panloloko naman sa bayan ang tingin dito ni TUCP Partylist Representative Raymond Mendoza.

Sinabi nitong mapanlinlang ang false positive inflation rate dahil patuloy ang paghihirap ng pamilya at mga manggagawa.

Wala ring pagbaba sa presyo ng mga bilihin tulad ng sardinas, asukal at iba pang basic foods.

Dagdag nito, bagamat bumaba ang presyo ng bigas pero apektado ang mga magsasaka dahil sa rice tariffication law na nagbukas sa importasyon ng bigas.

Facebook Comments