2.4 million na mga pasahero, inaasahang daragsa sa PITX hanggang November 5

2.4 million na mga pasahero ang pinaghahandaan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Undas na daragsa sa central terminal.

Ayon sa PITX, ang naturang bilang ay mas malaki kaysa sa bilang ng mga pasaherong dumagsa sa nakalipas na taon.

Tiniyak naman ng PITX na walang magiging kakapusan sa bus dahil nagbigay na ng special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa iba’t ibang operators.


Nagsagawa na rin ang Land Transportation Office (LTO) ng road worthiness inspection sa mga bus para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Una na ring sumailalim ang 150 bus drivers at conductors sa road safety seminar sa PITX.

Inaasahan naman ng PITX ang malaking volume ng mga pasahero sa mga susunod na araw dahil sa holiday season.

Facebook Comments