2.4 milyong Pilipino, nabakunahan sa Pilipinas sa unang araw ng 3-day National Vaccination Drive

34

Umabot sa 2.4 milyong mga Pilipino ang nabakunahan sa bansa kasabay ng pagsisimula kahapon ng 3-day National Vaccination Drive.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ibinase ito sa Vaccination Operation Reporting System (VORS) na naitala as of alas-5 ng umaga kanina.

Inaasahang tataas pa ang bilang dahil marami pang Local Government Units (LGUs) na hindi nakakapagpasa ng datos.


Tinatayang nasa 3 million indibidwal ang target bakunahan ng pamahalaan kada araw sa 3-day National Vaccination Drive.

Sa December 15 hanggang 17 pinaplanong gawin ang second round ng 3-day vaccination drive para makamit ang 54 milyong Pilipino na fully vaccinated bago ang taong 2022.

Facebook Comments