Tinatayang aabot sa 2.5 million doses ng COVID-19 vaccine ang inaasahang ma-e-expire na sa katapusan ng Disyembre o sa unang bahagi ng Enero 2022.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mga bakunang ito ay donasyon ng ibang bansa sa Pilipinas.
Dahil dito, pinamamadali na ng pamahalaan ang pagtuturok ng mga nasabing bakuna kaya’t sinimulan na itong ipamahagi sa iba’t ibang Local Government Unit sa bansa.
Matatandaang na-expire noong nakaraang buwan ang nasa 5 milyong doses ng AstraZeneca kabilang ang 14,000 doses na ibinalik ng Negros Occidental LGU sa DOH.
Facebook Comments