Naniniwala ang Commission on Population (POPCOM) na hindi aabot hanggang 2.5 million ang bilang ng mga nabubuntis sa bansa ngayong taon sa kabila ng lockdowns bunga ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay POPCOM Undersecretary Juan Antonio Perez, sa taya ng University of the Philippines (UP) Population Institute ay posibleng umabot sa 750,00 0 ang pregnancies batay sa 100% lockdown scenario.
Maaari aniyang umabot sa 2 milyon ang pregnancies kung nagkaroon ng total lockdown at ito ang maaaring mataas na bilang ng pregnancies na maitatala sa bansa.
Lumalabas din sa pag-aaral ng UP Population Institute, ang teenage pregnancies ay maaaring madagdagan ng 20,000 ang 60,000 teenage pregnancies na nairerekord kada taon.
Facebook Comments