2.5 milyong deboto, inaasahang makikiisa sa Traslacion

Inaasahang papalo sa 2.5 milyong mga deboto ang makikiisa sa Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Director Guillermo Eleazar, magsisimula ang prusisyon ng andas ng alas-5 ng umaga mula Quirino Grandstand pabalik ng Quiapo Church.

Aniya, anim na kilometro ang babagtasin ng mga deboto at andas ng Nazareno.


Matatandaang noong 2018, umabot ng halos 23 oras bago naibalik sa Quiapo church ang andas ng Itim na Nazareno.

Facebook Comments