Umabot lamang sa 2.5% mula sa 1.4 million na kasambahay sa bansa ang mayroong written employment contracts.
Ito ang lumabas sa survey na isinagawa noong nakaraang taon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay National Wages and Productivity Commission (NWPC) Executive Director Maria Criselda Sy, aabot lamang sa 35,455 ang mayroong written employment contracs sa ilalim ng batas.
Nakakabahala aniya ang kawalan ng written contract lalo na at mayroong batas para ito partikular ang Kasambahay Law.
Bukod dito, lumalabas din sa survey na 83% ng 1.4 million na kasambahay ay walang social security benefit at 2% ang nagbabayad ng buo ng kanilang premium contribution at walang bahagi rito ang kanilang employer.
Mayroon ding domestic workers ang nagtatrabaho ng pitong araw sa isang linggo at walang rest day.
Ipinag-utos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Domestic Work Inter-Agency Committee na pag-aralan ng survey at alamin ang mga isyu na dapat tugunan sa pagpapatupad ng Kasambahay Law.