2.6 million na mag-aaral, nag-avail ng early registration para sa susunod na school year – DepEd

Aabot na sa higit 2.6 million na estudyante ang nagpalista para sa susunod na school year.

Ito ang pahayag ng Department of Education (DepEd) sa harap ng nagpapatuloy na Early Registration para sa School Year (SY) 2021-2022.

Batay sa Early Registration Monitoring Report ng DepEd, aabot sa 2,686,834 students ang maagang nagparehistro para sa bagong school year.


Ang CALABARZON ang may pinakamaraming bilang ng registered learners na may 290,464; kasunod ang Western Visayas (216,237), at Central Luzon (203,041).

Sa Metro Manila, mayroon na lamang 201,036 students ang nagparehistro para sa susunod na school year.

Sa Laging Handa Public Press Briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, patuloy nilang sinusunod ang regular school calendar habang nilalabanan ang pandemya.

“’Yung tungkol sa enrollment, magsisimula na tayo ng early registration kasi samantalang lumalaban tayo sa COVID, ginagawa pa rin natin ang ating regular duties [at] sinusunod natin ang ating regular calendar ,” ani Sec. Briones.

Paalala ng DepEd, ang Grades 2 hanggang 6, 8 at 10, at 12 ay ikinokonsiderang pre-registered at hindi na nila kailangang lumahok sa early registration.

Facebook Comments