Tinatayang nasa 2.6 milyong katao ang maapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Querubin sa ilang rehiyon sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga posibleng maapektuhang indibidwal ay mula sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Gitnang Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao region, SOCCSKSARGEN, CARAGA at BARMM.
Samantala, sa datos naman ng Mines and Geosciences Bureau, mayroong 5,418 barangays sa 827 provinces sa mga nabanggit na rehiyon ang maaaring makaranas ng mga pagbaha at landslide.
Kaugnay nito, binigyang-diin ng NDRRMC ang kahalagahan ng pagiging handa sa sakuna.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto ngayong panahon ng kapaskuhan, ugaliing magmonitor ng lagay ng panahon mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at makinig sa abiso ng local government units.