Arestado sa ginawang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) – Cybercrime Division ang pitong Chinese national na umano’y sangkot sa iba’t ibang international fraud.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, unang naaresto ang dalawang Chinese at dumating ang limang iba pa kalaunan at inaarbor ang kanilang mga naarestong mga kasamahan kapalit ang 1.5 million pesos na cash.
Agad naman inaresto ang mga ito kung saan nakumpiska sa kanila ang tatlong baril, magazine, mga bala, smoke grenade, at pera na ginamit panuhol.
Paliwanag ni Santiago, ang pitong Chinese ay konektado rin sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na tila naghahanap na ng ibang pagdadalan at pagtataguan ng mga pera mula sa iligal na gawain.
Matapos ang deklarasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ban sa POGO kaya agad sila nagkasa ng operasyon dahilan para maaresto ang mga suspek.
Ang mga ito ay mahaharap sa kasong paglabag sa cybercrime law, corruption of public officials, at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.