Manila, Philippines – Kabuuang 2.8-milyong mga botante ang inaasahang makikiisa sa gaganaping plebesito para sa Bangsomoro Organic Law (BOL).
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez – mas mataas ito sa target nilang 2.5 million na magpaparehistro para sa plebesito.
Pero aniya, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga botante dahil nakabinbin pa rin ang 99 na petisyon mula sa mga kalapit na local government unit na nais mapabilang sa bubuuing Bangsamoro Autonomous Region.
Dagdag pa ng COMELEC, kasama sa mga boboto sa plebesito ang mahigit 150,000 na dating Moro Islamic Liberation Front Fighter.
Nauna nang itinakda ng COMELEC ang plebesito sa January 21 at February 6, 2019 na gaganapin sa ARMM, Cotabato City at Isabela City, gayundin sa mga bayan na nagpaetisyon na maging bahagi ng bagong rehiyon.
July 26, 2018 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang BOL.