Aabot na sa 2.9 million COVID-19 vaccines ang naiturok ng pamahalaan at karamihan ay naibigay sa mga healthcare workers.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 2,245,397 ang nakatanggap ng unang dose habang 714,432 ang nakakuha ng second shots o fully vaccinated mula nitong May 15.
Kabuoang 2,959,829 doses na ang naipamahagi.
Nasa 1.2 million healthcare workers ang nabakunahan na, kasunod ang mga senior citizens na nasa 589,943, nasa 430,525 persons with comorbidity (A3), at 8,955 frontline workers.
Simula sa Hunyo, pwede na ring simulan ang pagbabakuna sa essential workers na kabilang sa A4 priority group at indigent population sa ilalim naman ng A5 group kasabay ng pagdating ng karagdagang supply ng bakuna.
Prayoridad ng pamahalaan sa vaccination ang mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 o mga ‘focus areas’ na kinabibilangan ng Metro Manila, Cebu, Davao, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas, at Rizal.