2 African nat’l, huli dahil sa pekeng Canadian visas

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Africans na nagtangkang umalis ng Pilipinas gamit ang mga pekeng Canadian visas.

Kinilala ang mga suspek na si Cameroonian Etienne Makang Nformem at Sudanese Abdelmotalab Idris Himat Mohamed.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, patungo ang dalawa sa Canada pero nabistong gumagamit sila ng pekeng Canadian visas.


Ang dalawa ay nakadetine sa BI facility at kapwa nahaharap sa paglabag sa Immigration Act.

Babala naman ni Medina sa iba pang banyaga, itigil na ang kanilang ilegal na gawain dahil ang mga personnel ng BI sa airports ay mga eksperto sa pag-determina sa mga pekeng visa at passports.

Facebook Comments