2 Aksidente, Naitala sa Benito Soliven, Isabela; Isa Patay

Cauayan City, Isabela- Dalawang aksidente ang parehong naitala sa bayan ng Benito Soliven sa Lalawigan ng Isabela.

Una rito, dalawang motorsiklo ang nagsalpukan sa kahabaan ng brgy Brgy. San Carlos sa naturang bayan na minamaneho ng isang security guard at sundalo.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, patungong bayan ng San Mariano ang isang Honda XRM na minamaneho ni Salvador Ancheta, 42 taong gulang, sekyu, residente ng Brgy. Del Pilar, San Mariano, Isabela habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang isang motorsiklo na minamaneho ni Eliseo Monteclaro, 40 taong gulang, kasapi ng AFP at residente naman ng Brgy. Gayong Gayong Sur, City of Ilagan, Isabela.


Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay umagaw sa kabilang linya si Ancheta kaya’t sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo ng sundalo.

Parehong nagtamo ng pinsala sa katawan ang dalawang drayber ng motorsiklo at dinala sa pagamutan.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang dalawang sangkot na motorsiklo para sa tamang dispsosisyon.

Samantala, patay ang isang lalaki matapos na magsariling maaksidente sa bahagi ng Brgy. District 1 sa bayan ng Benito Soliven.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang hindi pa nakikilalang biktima na drayber ng RUSI 125 na motorsiklong walang plaka kaya’t sumemplang ito sa kalsada.

Isinugod ito sa ospital subalit dahil sa mga natamong matinding pinsala sa katawan ay binawian din ito ng buhay.

Facebook Comments