Manila, Philippines – Dalawang magkasunod na aktibidad ang inaasahang dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cebu City mamayang gabi.
Ayon sa Philippine Information Agency Central Visayas (PIA-7), pangungunahan ng pangulo ang pamamahagi ng tulong sa 1,500 beneficiaries ng conditional cash transfer program sa Cebu Technological University.
Makakasama rito ng Pangulo si Social Welfare Secretary Rolando Bautista.
Sunod na aktibidad ni Pangulong Duterte ay ang pagbibigay ng talumpati sa Plaza Independencia para sa proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN).
Tinatayang 80,000 katao ang dadalo sa rally.
Kaugnay nito, nagdeklara ng red alert ang Police Regional Office 7 para sa seguridad sa pagbisita ng pangulo.
Mahigpit umanong ipagbabawal ang pagdadala ng backpack, bottled water at matatalim na bagay sa plaza.
Posible ring magkaroon ng signal jamming sa lugar.