Natagpuan ng mga bombero ang nasunog na katawan ng mag-asawa matapos kabilang sa natupoy ng apoy ang kanilang bahay sa sunog na nangyari kaninang madaling araw sa Barangay Carreta sa Cebu City.
Ang mag-asawa na sina Proserfina at Nicasio Orcollo ay hindi nakalabas ng kanilang bahay nang sumiklab ang sunog kaninang alas 4: 18 ng madaling araw at idiniklarang under control pagkaraan ng halos isang oras.
Mahigit limampung kabahayan ang natupok ng apoy .
Inaalam pa ng kabomberohan ang dahilan ng sunog.
Facebook Comments