2 ang  namatay sa sunog kaninang  umaga sa Cebu City

Natagpuan ng mga bombero ang nasunog na katawan ng mag-asawa  matapos kabilang sa natupoy ng apoy ang kanilang bahay  sa sunog na nangyari kaninang madaling araw sa Barangay Carreta sa Cebu City.

Ang mag-asawa na sina Proserfina at Nicasio Orcollo ay hindi nakalabas ng kanilang bahay nang sumiklab ang sunog kaninang alas 4: 18  ng madaling araw at idiniklarang under control pagkaraan ng halos isang oras.

Mahigit limampung kabahayan ang natupok ng apoy  .


Inaalam pa ng kabomberohan ang dahilan ng sunog.

Facebook Comments