2 anggulo, sinisilip sa nangyaring pamamaril sa isang Chinese sa Binondo

Iba’t ibang anggulo ang sinisilip ngayon ng Manila Police District (MPD) sa pamamaril sa isang negosyanteng Chinese sa loob ng isang gusali sa Binondo, Maynila.

Kinumpirma ni MPD Station 11 Col. Rolyfer Capoquian na kabilang sa anggulo ay holdap at paghihiganti matapos na maraming empleyadong tinanggal sa kanyang kompanya ang napatay na biktimang si Wen Dun Chen.

Nabatid na kasama nito sa elevator ang isa pang lalaki na , sinasabing may dalang halos 2 milyong pisong pera na kanila sanang idedeposito sa banko.


Nawawala na ang pera matapos mataranta at dumapa rin ang kasamahan ng biktima na may dala nito.

Nilinaw rin ni Capoquian na walang hostage taking na nangyari.

Facebook Comments