Dalawang angkan ang nagkabarilan sa sa bayan ng Bacolod Kalawi sa Lanao del Sur kung saan ay apat katao ang naiulat na nasugatan kamakalawa ng hapon.
Sa hindi inaasahan pangyayari ay nagpang-abot ang mga armado mula sa angkan ng mga Dipatuan at Amanodin sa Barangay Gandamato sa nabanggit na bayan. Sinabi ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner dahil sa sumiklab na kaguluhan ay isinara ang national road sa Barangay Gandamato dahil sa matinding palitan ng putok mula sa magkabilang panig.
Ang tatlo sa mga sugatan ay mula sa panig ng grupo ng Amanodin at isa sa Dipatuan. Dahil dito ay nagpaputok ng kanilang armas ang mga rumespondeng sundalo ng 65th Infantry Battalion para lamang mapatigil ang labanan ng dalawang angkan. Sinasabing rido o away pamilya ang ugat ng labanan.
Narekober sa pinangyatihan ng labanan ang ilang mga armas at bala na kinabibilangan ng isang M 16 armalite rifle , dalawang M-14 rifle, at Cal. 22 na pistola.(Amer Sinsuat)
2 angkan nagbarilan sa Lanao del Sur 4 sugatan
Facebook Comments