2-anyos, aksidenteng nabanlian ng kumukulong tubig

342

Humihingi ng tulong ang isang nanay mula Tubay, Agusan del Norte para sa kaniyang dalawang-taong-gulang na anak na aksidenteng nabanlian ng kumukulong tubig, Martes ng hapon.


Pahayag ng inang si Cheryl Pacundan, nagalaw ng bata ang takureng may lamang mainit na tubig at hindi sinasadyang tumapon sa katawan nito.

Nagluluto siya sa kusina habang kasama ang paslit nang mangyari ang insidente.

Agad tumawag ng saklolo si Pacundan sa mga kapitbahay upang maisugod sa pagamutan ang kaawa-awang supling.

Kumakatok siya ngayon sa puso ng publiko para sa agarang paggaling ng munting anghel.

“Kailangan ko siya maibili ng mga gamot dahil hindi ko talaga kaya,” panawagan ng madre de pamilya.

Facebook Comments