Muntinlupa City – Arestado ang isang lalaki matapos halayin at patayin ang dalawang taong gulang nitong pamangkin sa Muntinlupa City.
Sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ng mga security guard ang bangkay ng 2 taong gulang na bata na si Alexander Ethan Mendoza na nakasilid sa isang bag na nakabalot sa puting tela at tadtad ng mga saksak sa dibdib sa South Station Terminal sa Alabang.
Una pang humingi ng tulong ang 29-anyos na suspek na si Edgardo Mendoza sa mga awtoridad at sinabing may babaeng tumangay sa kanyang pamangkin habang siya ay nasa palikuran.
Pero nagduda ang mga pulis nang may makitang dugo sa pantalon ng suspek at agad siyang inaresto.
Nang kumpirmahin ng nanay ng bata na anak niya ang biktima at kapatid niya ang suspek, dito na inamin ni Mendoza ang lahat.
Ayon sa suspek, dinala niya muna sa motel ang biktima at pinainom ng gatas na may textile paint bago halayin at saka pinatay.
Kinumpirma naman ng ina ng biktima na lulong sa iligal na droga ang kanyang kapatid.