2 anyos na bata, Sugatan matapos masagi ng sasakyan sa Quezon, Isabela!

42

*Quezon, Isabela- *Isinugod sa pagamutan ang 2 anyos na bata matapos masagi ng sasakyan sa Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.

Ang biktima ay si Jay-ar Ramero at residente ng naturang lugar.


Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, habang naglalakad sa gilid ng lansangan ang biktima kasama ang ate nito ay bigla na lamang nahagip ng isang Elf Truck ang bata na nagresulta sa pagkakasugat ng kanyang ulo.

Dinala naman agad sa pagamutan ang biktima para sa kaukulang lunas habang ang suspek at driver ng elf truck na si Jerry Bilas ng Pamplona, Cagayan ay dinala na sa PNP Quezon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Inihahanda na ngayon ng PNP ang kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Serious Physical Injury laban kay Jerry Bilas.

Facebook Comments