2-anyos, namatay sa loob ng sasakyan habang tulog ang ina

via NBC screenshot

Isang 2-anyos babae ang namatay sa loob ng sasakyan habang tulog ang ina sa bahay sa San Diego, California nitong Lunes.

Ayon sa ina, pagkagising niya ay nawawala na ang anak at tumawag sa awtoridad upang mahanap ito.

Kinilala ang bata na si Scarlett Grace Harris na nakitang walang buhay ng mga pulis.


Naitala ring ang pinangyarihan ng krimen ay malapit lamang sa military base at ang ama nito ay nagtatrabaho sa armed services.

Sa isang panayam sa residente ng nasabing lugar, nangangamba sila dahil sa sariling ‘tirahan’ pa nangyari ang krimen.

“This is tough. It hits home. It could happen to any happen to any of us. I’m a mother, we go through a lot being military spouses, you know, with our significant others, just in life in general, and this is so unfortunate,” aniya.

Hindi namang naitala ng mga pulis kung naiwan sa loob ng sasakyan ang biktima o nakulong ito sa loob. Wala ring pahayag ang ina ng bata sa insidente.

Ilang linggo bago namatay si Scarlett, naitala ring patay ang twins sa New York dahil nakalimutan ng ama ang kaniyang mga anak sa kotse at pumuntang trabaho.

Facebook Comments