2-anyos, patay nang maiwan sa nasunog na sasakyan sa Ilocos Norte

Stock photo

Nasawi ang isang 2 taong gulang na babae matapos masunog ang sinasakyang kotse sa San Nicolas, Ilocos Norte, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Alicia Kaira Aguinaldo na naiwan sa loob ng kotseng nakaparada sa Barangay 24 nang mangyari ang insidente.

Kuwento ng amang si Frederick Aguinaldo, isasama niya sana ang anak sa paghatid sa kapatid nito sa eskuwelahan, ngunit iniwan niya muna sa kotse para ayusin ang isa pang sasakyan.


Bigla na lang umanong nagliyab ang sasakyan at nadamay rin sa sunogg ang katabi nitong nakaparadang van.

Nagtamo ng mga paso ang ama nang subukang buksan ang pinto ng kotse para isalba ang anak, ngunit hindi umano kinaya sa lakas ng apoy.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), maaaring pinagmulan ng sunog ang nakasaksak na cigarette lighter na posible umanong napindot ng bata.

Facebook Comments