2-anyos patay nang tumilapon sa tricycle, magulungan ng bus

202

Sawi ang isang 2-anyos na babae nang aksidenteng tumalsik sa sinasakyang tricycle at magulungan ng bus sa Tondo, Manila, Sabado ng gabi.

Kinilala ang bata na si Zhian Riackly Distor, habang hawak naman ng pulisya sina Rico Gulura, 22, driver ng tricycle, at si Jimboy Anota, tsuper naman ng KIA Granbird tourist bus.


Batay sa ulat, alas-7 ng gabi nang paharurot na nag-U-turn si Gulura sa kanto ng Yuseco at Almeda Street ang tricycle, dahilan ng pagtilapon ng biktima sa kalsada.

Hindi naman na nakapreno si Anota na nagmamaneho kasunod ng tricycle, at nagulungan ang paslit na agad binawian ng buhay.

Nahaharap ang dalawang driver sa kasong homicide through reckless impridence.

Facebook Comments