2-anyos, patay sa sunog na sumiklab sa Quezon City

Quezon City – Nanlulumo ngayon ang nasa 20 pamilya matapos na mawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa K7 Street, Barangay Kamuning, Quezon City.

Ala 1:05 kaninang hapon nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Romeo San Juan.

Ala 1:35 naman nang itaas sa 4th alarm ang sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa mga bahay na gawa sa light materials.


Faulty electrical wiring ang pinaghihinalaang sanhi ng sunog.

Samantala, patay naman ang dalawang taong gulang na batang babae matapos na maiwan sa loob ng nasusunog nilang bahay.

Kwento ng ina ng bata na si Divina Labasog, sa sobrang taranta, una niyang nailabas ang ina niyang may sakit at huli na niya nalaman na naiwan pala sa loob ang natutulog niyang anak.

Bukod sa nawawala, tatlong iba pa ang nagtamo ng minor injuries.

Alas 2:30 nang ideklarang fireout ang sunog.

Facebook Comments