Nagsimula ng umarangkada ang dalawang araw na isinasagawang Bangsamoro General Assembly na ginaganap ngayon sa old Provincial Capitol sa Barangay Simuay sa bayan ng Sultan Kudarat ss lalawigan ng Maguindanao. Inaasahan ang pagdalo ng mahigit sa isang milyong katao na nagmula sa ibat ibang sektor. Ang nasabing pagtitipon ay pinangangasiwaan ng Moro Islamic Liberation Front(MILF) at Bangsamoro Transition Commission(BTC). Sinabi ni Milf First Vice Chairman at BTC Chair Ghadzali Jaafar layunin ng asembliya na maipakita ang malaking suporta ng mga Bangsamoro sa pagsusulong na maisabatas ang bagong panukalang Bangsamoro Basic Law(BBL) na ngayon ay nasa mababang kapulungan. Ang pagtitipon ay suportado rin ng Moro National Liberation Front(MNLF) at ibang sektor na ang pinakaasam asam ay matamo na ang matagal ng hinahangad na kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao. Inaasahan naman ang pagdalo ni Pangulong Duterte bukas, mga foreign dignitaties kabilang ang prinsipe ng Saudi Arabia at ilang national at local officials.(Amer Sinsuat)
2 araw na Bangsamoro General Assembly umarangkada na
Facebook Comments