2 araw na “menstruation leave” kada buwan, isinulong sa Kamara

Pinapabigyan ni Cotabato 3rd District Rep. Ma. Alana Samantha Taliño-Santos ng dalawang araw na “menstruation leave” kada buwan at 50% na “daily remuneration” o kabayaran ang mga babaeng empleyado sa pribado at pampublikong sektor.

Ang panukala ni Santos ay nakapaloob sa inihain niyang House Bill 6728 na layuning isa-alang-alang at suportahan ang kalusugan ng mga kababaihan, at magpalaganap ng kaalaman hinggil dito.

Paliwanag ni Santos, ang usapin ng pagreregla ay “social taboo” pa rin, gayung maraming kababaihan ang nakakaranas ng sakit kapag dinadatnan kaya hindi makatutok na mabuti sa trabaho.


Diin pa ni Santos, ang konsepto ng menstruation leave ay hindi naman bago at katunayan ay may ganito nang pribilehiyo sa Japan, South Korea, Taiwan, Indonesia at Zambia.

Facebook Comments