Manila, Philippines – Sa nakatakdang 2-day nationwide transport strike bukas, nagkansela na ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang mga sumusunod na lugar:
• Angeles City, Pampanga
• Davao City
• Parañaque
• San Fernando, Pampanga
• San Mateo, Rizal
Lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan
• Makati
Nag-anunsyo rin ang National Teachers’ College ng kanselasyon ng klase.
Ikinasa ng grupong PISTON ang strike bilang pagtutol sa phase-out ng mga lumang pampasaherong jeep dahil sa modernization program ng Department of Transportation.
Hindi naman sasama sa pagkilos ang limang transport group kabilang ang Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP).
Sa ngayon, nakaalerto na ang Manila Local Government and Emergency Units para magbigay ng tulong sa mga commuter at motoristang maapektuhan transport strike bukas.