Sinimulan na ang dalawang araw na malawakang simultaneous clean-up drive ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City ngayong araw.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, ito ay bahagi ng kanilang kampanya laban sa dengue kaugnay ng opisyal na pag-uumpisa ng panahon ng tag-ulan.
Layunin ng aktibidad na puksain ang mga pinamumugaran ng lamok at masugpo upang maiwasan ang paglaganap ng nakamamatay na sakit na ito.
Isinagawa ang clean-up drive simula ngayong araw na tatagal hanggang bukas, Hunyo 14, sa 10 lugar ng iba’t ibang barangay sa Muntinlupa City.
Tuloy-tuloy rin ang isinasagawang lectures ng Muntinlupa City Health Office sa mga komunidad sa lungsod upang magbigay impormasyon sa tamang pag-iwas sa dengue.
Facebook Comments