2-araw na unilateral ceasefire ipatupad sa pagitan ng AFP at NPA, iginiit ng isang senador

 

Nanawagan si Senator Imee Marcos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpatupad ng unilateral ceasefire sa hanay ng New Peoples Army o NPA.

 

Iminungkahi ni Marcos na maaaring gawin ang unilateral ceasefire sa loob ng dalawang araw simula sa Disyembre 24 hanggang 25 para mabigyan ng daan ang mapayapang pagdiriwang ng Pasko.

 

Paliwanag pa ni Marcos, malaking bagay ang dalawang araw na ceasefire sa mga sundalo  para makapiling ang kanilang mga pamilya kahit sa loob na barracks habang ipinagdiriwang ang pasko.


 

Diin ni Marcos, kung hindi magsasagawa ng sariling ceasefire ang NPA ngayong kapaskuhan, at maglunsad pa rin ng mga pananambang, ay tiyak na magdudulot ito ng negatibong epekto sa kanilang hanay at magagalit sa kanila ang taumbayan.

Facebook Comments