Nasabat ng mga awtoridad ang isang kilong marijuana mula sa dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo na naharang sa “Oplan Sita” ng Makati Police.
Kinilala ang mga suspek na sina Tyrone James Javaban del Valle at Ronaldo Taburaza Querubin, kapwa 23-anyos.
Nakuha mula sa kanila ang isang kilong marijuana na nagkakahalaga ng P120,000 at kinumpiska rin ang ginamit nilang motorsiklo.
Batay sa ulat ng Makati Police, pinara nila ang mga suspek sa kahabaan ng Bautista Street sa Barangay Palanan para matiyak na hindi sila riding-in-tandem.
Nang hingan ng ID, doon na nila nadiskubre ang bitbit na marijuana ng mga suspek kaya agad silang inaresto ng mga pulis.
Nakakulong na ang dalawa sa Makati City Police Station Custodial Facility at habang inaalam na rin ng pulisya kung kanino dapat dadalhin ng mga suspek ang iligal na droga.
Kinasuhan din sila ng paglabag sa Compehensive Dangerous Drugs Act of 2002.