Tinatayang nasa 680 Thousand Pesos ang halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad bukod pa sa mga high powered firearms ang nasamsam sa dalawang indibidwal sa operasyon na isinagawa sa Sitio Marabasak Brgy. Guling Alamada North Cotabato pasado alas sais kahapon ng umaga, May 13.
Nanguna sa operation ang PDEA Regional Office 12 sa pamumuno ni Cotabato Provincial Office Director Naravy Daquiatan , PDEA Regional Office BARMM, 34th Infantry Battalion at Alamada Municipal Police Station.
Target ng operasyon ang isang high value personality na si Pelong Selangan ngunit sinasabing nakatakas habang dalawa sa mga kasamahan nito ang naaresto at kinilala na sina Ali Adapan at Usman Selangan.
Nakuha sa mga ito ang dalawang large size ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 100 grams at may market value na abot sa 680,000 pesos, bukod pa sa apat na cal 5.56 o M16 rifle, tatlong Garand rifle, isang 7.62 o M14 rifle, isang M14 magazine, apat na M16 short magazine, tatlong Garand clips, twenty four rounds ng Cal .30 ammunition, tatlong rounds ng 7.62 ammunition, twenty rounds ng 5.56 ammunition, isang improvised M79 grenade launcher at bala nito , apat na Baofenf handheld radio at isang cellphone.
Kasalukuyang himas rehas na sa Jail Facility ng PDEA ang mga naarestong suspek at nahaharap na sa kaukulang mga kaso
PDEA 12 PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>