Patay ang dalawang miyembero ng armed lawless group nang makipagpalitan ng putok sa tropa ng gobyerno sa Buluan, Maguindanao.
Nasapol ang dalawa makalipas ang dalawang oras na pakikipagsagupa sa mga otoridad na noon ay magsisilbi sana ng warrant of arrest sa Barangay Siling, Buluan.
Nakatakas naman ang lider ng grupo na kinilalang si Taugan Mangudadatu, takas sa batas at itinuturing na “highly dangerous”.
Mayroon umano itong 35 “followers” na armado ng matataas na uri ng armas.
Si Taugan ay mayroong warrants of arrest sa kasong murder kung saan s’ya ang primary suspect sa pagpatay kina Faisal Buisan, Mandy Bunsalagan, Diego Bunsalagan, Pongga Ibus, Sukarno Puden at Peter Domrique.
Pagkatapos ng engkwentro ay hinalughog ng tropa ng 40th IB ang lugar kung saan nakarekober sila ng M16 rifle, M653 rifle, magazines na may mga bala, bandoliers, backpacks at subersibong mga dokumento.(Daisy Mangod)
Kampilan Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
2 Armado patay sa operasyon sa Buluan , Maguindanao
Facebook Comments