2 army-type truck, nakastandby na sa Marilao, Bulacan para sa mga posibleng ma-stranded na residente

Marilao, Bulacan – Naka-standby na ang dalawang army-type truck sa bayan ng Marilao, Bulacan para sa posibleng pagtaas ng tubig-baha.

Sa interview ng RMN kay Malou Papican, Operation and Warning Division Supervisor ng Bulacan PDRRMO, nakapuwesto sa tapat ng SM Marilao ang mga truck na gagamitin para bigyan ng libreng sakay ang mga mai-stranded na pasahero.

Samantala, kinukumpirma pa ng PDRRMO ang natanggap nilang report na may anim na pamilya nang inilikas sa Barangay Saog, Marilao dahil sa walng tigil na pag-ulan.


Wala namang naitatalang casualty o missing sa lugar.

Facebook Comments