Nasa dalawang aspirante agad ang nakapaghain na ng kanilang Certificate of Candidancy (COC) sa ikalawang araw ng paghahain nito na ginaganap sa Manila Hotel Tent City.
Una dito ay ang 70-anyos na si Victoriano Inte na tatakbo bilang independent senator kung saan pang-limang beses na niyang tinangkang tumakbo.
Sumunod na naghain ay si Sen. Imee Marcos sa ilalim ng Nacionalista Party.
Kasama ng senadora ang kaniyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos, at anak na sina Borgy at Atty. Michael Manotoc.
Muling iginiit ni Sen. Imee na ang pag-alis niya sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas ay para maiwasan maipit sakaling magkaroon na ng batuhan ng putik o siraan pagsapit ng kampaniya.
Aniya, hindi niya nais makipag-alyado dahil hangad niya na makalapit o makausap ang lahat ng sektor.