2 babae arestado nang makuhaan ng iliga na droga sa Las Piñas City

Huli ang dalawang babae makaraang makuhaan ng ilang sachet ng shabu sa Brgy Zapote, Las Piñas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Liza Aurea Aducayen at Jennifer Gomez kapwa nasa legal age na.

Sa ulat ng Southen Police District nagsasagawa ng oplan galugad ang mga pulis sa Basa compound, Barangay Zapote, Las Piñas City nang maaresto ang dalawang babae.


Nakuhaan sila ng apat na sachet ng shabu na may bigat na 1.5 grams at may street value na 10,200 pesos.

Sa ngayon ay nahaharap na ang dalawang babae sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Facebook Comments