
Dalawang babae na parehong may tama ng bala sa katawan ang natagpuang wala nang buhay sa gilid ng kalsada sa Purok 5, Brgy. Salaza, Palauig Zambales pasado alas-6:00 ng umaga kanina.
Sa impormasyon ni Zambales Provincial Director PCol. Benjamin Ariola sa Kampo Krame kanyang sinabi na may residente ang nakarinig umano ng sunod-sunod na putok ng baril at tunog ng umaandar na sasakyan noong madaling-araw bago madiskubre ang mga bangkay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang alamin ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.
Nangangalap na rin sila ng CCTV footage para matukoy ang direksyong tinahak ng mga suspek.
Facebook Comments









