2 babaeng drug pusher, arestado sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang magkapatid na babae kasunod ng buy bust operation sa Brgy. Pinyahan sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Dianne Tumaroy alyas “Baba” at kapatid na si Thalia.

Ayon kay QCPD Station 6 Commander PSupt. Pedro Sanchez, nahuli ang mga suspek pasado alas10 kagabi sa labaa ng isang fast food chain sa kanto ng East Avenue at V. Luna Street.


Nakabili umano ng 500 pisong halaga ng shabu ang isang poseur buyer kay alyas Baba na naging hudyat sa pag-aresto rito at sa kasamang babae.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang 500 pesos buy bust money at 3 sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon kay alyas Baba, isang nagngangalang “Aks” ang kinukuhanan nya ng suplay ng shabu at kumikita siya ng 500 pesos sa kada transaksyon.

Kumikita naman ng 200 pesos ang kapatid nito na ayon sa kanya ang pang ipon nya para makabili ng cellphone.

Facebook Comments