Lalakas na ang proteksyon sa ating sovereign rights sa West Philippine Sea (WPS) kasama ang karapatan natin sa mga yaman na sakop ng ating karagatan.
Pahayag ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez makaraang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Law.
Diin ni Romualdez, ang pagbibigay ng proteksyon sa pinag-aagawang teritoryo na sakop ng special economic zone ng Pilipinas ay hindi lang usapin ng pambansang pagkakakilanlan ngunit isyu rin ng ekonomiya, seguridad sa pagkain at mahalagang legasiya ng bansa.
Ayon kay Romualdez, ito ay dahil kasama sa yaman dagat sa WPS ang naka-imbak din na langis na dapat nating pahalagahan upang masigurado ng mapapakinabangan ng mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
Dagdag pa ni Romualdez, ang dalawang bagong batas na tumatalima sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay naghahatid din ng mensahe sa ating mga karatig-bansa na handa tayong protektahan ang ating teritoryo.