Nanindigan ang pamahalaan na kontrolado pa rin nito ang sitwasyon sa West Philippine Sea.
Sa isang forum sa Maynila, kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na sa katunayan, may dalawa pang bagong isla ang sakop ngayon ng bansa sa bahagi ng Sandy Cay sa WPS.
Pinabulaanan din ng opisyal na may mga nawalang isla sa Pilipinas.
Aniya, walang nabawas o nawalang isla ang Pilipinas na napunta sa China o sa ibang claimant countries.
Sinabi pa ni Esperon na sa katunayan, pinalakas pa ng ng bansa ang posisyon nito sa WPS.
Wala rin aniyang mga bangkang pangisda ang China sa bahagi ng PAGASA Island.
Isinusulong din aniya ng Department of Foreign Affairs ang diplomatic action dahil sa presensya ng mga bangkang pangisda ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.