2 bagong kaso ng Mpox naitala ng DOH

Umakyat pa sa lima ang mga aktibong kaso ng Mpox sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng dalawa pang bagong kaso ng naturang sakit.

Ayon sa DOH, lahat ng active cases ay Clade II na mas mild na uri ng Mpox.


Naitala ang mga bagong kaso sa Metro Manila at isa sa Calabarzon.

Inaalam pa kung paano nahawa ang mga pasyente.

Sa ngayon, nasa 14 na ang kabuuang kaso ng Mpox sa bansa kung saan siyam ang gumaling na at naitala noon pang 2023.

Facebook Comments