2 bagong printing machines, pormal nang i-tinurn over ng Miru System Inc. sa COMELEC at NPO

Pormal nang i-tinurn over ng Miru System Incorporated ang dalawang bagong printing machine sa Commission on Elections (COMELEC) at National Printing Office (NPO) na gagamitin sa darating na 2025 national and local midterm elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ang dalawang printing machine na nai-turn over sa COMELEC at NPO ay nagkakahalaga ng P300 million bawat isang printing machine kaya’t P600 million ang dalawang machine na kauna-unahan sa gobyerno sa Asya na gagamitin sa darating na eleksyon.

Paliwanag ni Chairman Garcia, maliban sa dalawang printing machine na kayang makapag-imprinta ng 500,000 balota sa isang araw, ang isang printing machine na nai-turn over sa NPO ay magpi-print din ng 1.2 million test ballots.


Titiyakin ni Garcia na lahat na naimprintang balota ay “properly accounted” at nasuri nang husto para sa gagamitin ng 68 million voters sa buong bansa.

Facebook Comments