2 bagong tayong emergency quarantine facility, malaking tulong para sa mga frontliners sa San Juan City

Naniniwala si San Juan City Mayor Francis Zamora na napakalaking tulong para sa mga frontliner ang dalawang bagong tayong emergency quarantine facilities sa San Juan National High School Basketball Court upang magamit ng mga Frontliners.

Ayon kay Mayor Zamora, malaking pakinabang ang dalawang quarantine facilities, na dinonate ng Rotary Club of Makati at iba pang indibidwal na pangasiwaan ng Quick Response Team o kaya ng San Juan-PNP personnel na pawang mga licensed nurse na may sapat na pagsasanay kung papaano i-monitor ang mga pasyente.

Paliwanag ng alcalde, ang dalawang quarantine facilities na mayroong 15-bed capacity ang bawat isa ay fully-air conditioned na may comfort rooms at bathrooms na malaking tulong sa mga frontliner na humaharap sa mga pasyenteng hinihinalaang mayroong taglay na COVID-19.


Facebook Comments